NBI, PRC and LTFRB: My Personal Public Review on their System and Culture

NBI, PRC and LTFRB: My Personal Public Review on their System and Culture

17 August 2017 1 By Pao de Chavez

"Ask not what your country can do for you—ask what you can do for your country."
- John F. Kennedy

This quotation was supposed to strengthen the ideology of each citizen of a country, to emphasize civic action and public service. But what if the same quotation affects the citizens in a way that it discourages the people to look for the things that they can do for the country?

Minsan, kahit anong positibo natin sa buhay, meron at meron talagang panira eh. Yung tipong good vibes ka na, nakangiti na kahit mukang ewan para cool, tapos pag tingin mo sa monitor: "HIT!" It takes adding 'S' to define how I felt. As much as I want to curse, I want to control myself and stay classy. Pero deep inside, nag iimense na yung umaapoy kong aura na parang gusto ko lamunin nalang ako ng lupa kesa magalit ng sobra sobra. I used to rant during the old times pero I have chosen to improve myself, be positive about every aspect of life and be mature about everything, edi wow! But this time, I just cannot.

[Sometimes, no matter how much we stay optimistic, there are really things that will ruin at how positive you look at life. It's a kind of day when you feel really good, you were all smiles, then when you look at the monitor: "HIT!" It takes adding 'S' to define how I felt. As much as I want to curse, I want to control myself and stay classy... Hey, if you are reading this because you cannot understand my previous paragraph..then translate my site because I don't want to do this anymore. Sorry! I just want to make it easy for both of us. Again, I am sorry I am busy reviewing for my licensure, so please pray for me to pass and wish me luck! LOL]

Idol ko yang quote na yan ni JFK kahit hindi ako American or kahit hindi ko sya naabutan. Yung quote lang naman eh. Kase feeling ko, eto talaga yun eh. Kaso hindi din eh. Dahil kahit anong gusto mong gawing tulong sa bansa mo, kung sira ang sistema, wala din. Kahit anong passionate mo at kahit magpabaril ka pa sa Luneta, kung masasayang lang ang buhay mo, bakit pa? Pero bakit din hindi? It's worth a try diba? Si Rizal nga eh, namatay para sa bayan para sa mga pinaglalaban nya para dito. Pero tingnan mo naman, kung buhay lang sya, kulang ang tag iisang tokbak dyan sa mga nagpapatupad ng batas na parang hindi pinag isipan. (Tapos may magrereact na: Ikaw na magaling, ikaw na maging presidente, edi wow! Tigilan nyo po ako, magpost kayo ng inyo kung gusto nyo pero wag nyo anuhin itong post ko. )

Para sa isang taong gaya ko na inabot ng coding, walang masakyan kase suspended ang Uber at walang Grab, ilang beses ako pumara ng taxi dahil may taxi magnet ako pero tinanggihan kasi traffic blablabla kahit may dalang bata, nagmamadali at lubos na nangangailangan matapos ang lahat... Alam na alam kong hindi iikot ang mundo sa akin, kase alam ko naman na hindi ko kakayanin dahil 52kilograms lamang ako versus sa weight nito.

Ano ba ang pinapaglaban ko? Inano ba ako ng gobyerno?

Ganito kasi iyan: Kailangan ko ng NBI Clearance para mag apply sa PRC. Pero parang paulit ulit na kamalasan ang nangyari sakin. Naiinis ako kaya nagsusulat ako ngayon. So what? Paki nyo ba sakin? Sino ba ako sa buhay nyo? Who cares?

Nagbabakasakali kase ako na baka lang naman may nakaranas din nito at makapagbigay sakin ng advice. Baka ako naman yung mali. Baka ako naman yung nag aassume na ganito ang kultura at sistema ng gobyerno? Pero hindi lang naman sa NBI at PRC ang problema eh. Teka lang. Isa-isahin natin yung mga government departments na nagka issue ko.

  1. NBI Clearance
    - Last 2014,  kailangan ko kumuha ng clearance. Importante ito at masasabi kong relevant na requirement.

    Sistema ng pagkuha: Noong 2014 at 2015, pipila ka para kumuha ng form. Pag ubos na, bukas ulet. Kaya minsan may natutulog na sa labas ng satellite office para lang maunang unang una makakuha ng forms. If medyo may extra ka, pwede kang magbayad para bilhin ang dapat sanang libre na public form.

    Mid or late 2015 nagkaroon ng gumaganang online.

    Para sa updated na guidelines at requirements: http://nbi.gov.ph

    Kultura: Minsan medyo mayabang yung staff kase nga naman ikaw ang may kailangan. Noong unang una sa Quiapo pa (2007), yung talagang ink pa yung fingerprint, halos madurog talaga yung kamay ko sa pagdukdok nung staff sa ink then sa papel. Natatawa ako na naiinis. Tapos yung wet tissue, may bayad ng limang piso. Yung envelope ng clearance, may bayad din limang piso.

    As time goes, bumabait na sila. Pero mas mabait yung mga nasa main office. Hindi ko alam kung bakit.

    Review based from my experience:
    January 2014, cleared naman ako so ibig sabihin, valid iyon hanggang January 2015 not unless ma-involve ako sa isang crime. Tama? Kaso bago ako umalis ng bansa at manirahan sa ibang mundo, kailangan ko ulit kumuha noong January 2015. Kumuha ako, since renewal lang sya, I expected na mabilis lang dahil alam ko naman na wala akong crime na ginawa for the entire year (month) at wala akong balak dahil gusto ko maging mabuting tao (or kung hindi man ako ibilang na tao, at least, nilalang). My husband I needed this, so we both went to NBI. After taking our info, biometrics and photos, we had to wait for 2 weeks because both of us have HITS. I was nonchallant, sure enough that someone else made the crime and this was just to ensure that we weren't the ones involved, which may be beneficial in the long run. Fast forward to two weeks, my husband got his clearance and I didn't. The satellite office advised me to go to the main office and clarify/verify that I did not do the crime. I was so clueless. I had to immediately go there and swear (legally and figuratively).So there I was, with my husband and breastfed child, at about 6:30am. The line for this swear stuff was already long. I got in the verification room at about 8:30-ish (closest that I can remember). The investigation started as soon as my butt touched the chair because I made it clear to the interviewer that the wailing breastfed child outside is mine.

    NBI: What is your name?
    Me: [told my full name]
    NBI: Birthday?
    Me: [told my birthday]
    NBI: Have you ever lost your passport?
    Me: Never, Sir.
    NBI: Where were you last November 1996?
    Me: School. Dominican College, San Juan.
    NBI: Fingerprint please.
    Me: [did that]
    NBI: Tingin dito
    Me: [did not smile on my photo]
    NBI: To clarify, you are not [name here] and were never part of a trafficking operation and you have never lost your passport.
    Me: [at the back of my mind: So this is what I came for?] Hahaha! Sir naman! Grade 1 or 2 lang ata ako nyan. [again, at the back of my mind: Didn't I get my biometrics and photo already? Weren't they able to verify from there?]
    NBI: Hahaha! Oo nga eh. Pasensya ka na, Iha. Paki fill up nalang ito, and then punta ka sa left na door paglabas mo, pa notary mo doon. Then punta ka sa may flag sa tabi noon.
    Me: Thank you po.While I understand that there are queues everywhere, I was patient. So I followed what he said. Pag punta ko doon, manunumpa ka sa judge. Nakataas ang kamay. Babasahin ang oath. Nakakatawang nakakainis na nakakahiya. May convo yung dalawang kuya sa likod ko:K1: Grabe naman. Porket ganto itsura ko tsaka construction worker, rape agad?
    K2: Ako nga pare, marder eh [murder]!Naawa ako kase imbes ipapasok nila sa trabaho na 'No Work, No Pay' eh naabala pa sila. Andon na tayo sa kasama kasi yon sa imbestigasyon. Pero ang tanong, wala na bang ibang paraan?Fast forward to 2017. Ano nanaman ang issue ko? Hindi ba ako naka move on? No. Nakamove forward na ako, pero ang sistema ng NBI?? HINDE. Paano ko nasabi eh ang tagal ko nang nawala? Eh sabi nga ni Gary V, "babalik ka rin, babalik ka rin!"

    Requirement kasi ang NBI Clearance para makapag file ng exam sa PRC (mamaya ka sakin!)

    Pumunta ako na kumpleto na. Online application for renewal, Online payment, lahat lahat na may check ng red na ballpen ni Nicolehyala. Picture, biometrics at signature nalang.

    Pagpunta ko sa NBI, bawal ang bata sa loob. So naiwan yung baby ko sa may pinto. Sinuhulan ko nalang ng Dunkin Donuts at ako na mismo ang nagharap ng silya nya para makita nya ako sa glass barrier at para hindi sya umiyak. Mabilis naman yung picture picture, etc. Mga 2 minutes. Pero nung nakita ko talaga na may hit nanaman... Naisip ko na hindi na ito pagiging tedious sa investigation. Abala na po sya mga kapatid, kapamilya, kapuso, kasambahay, kapitbahay!!!

    Naka specify na for renewal yung clearance. Napakaklaro sa birthday ko palang, maiden name at lahat lahat na ng elemento ng pagkatao ko na wala akong record. At sa ilang taon na wala ako sa Pilipinas, pano ako magkakaroon ng panibagong record?? Diba common sense nalang?? Taken for granted na hindi naka-link ang DFA system na pwedeng magsabi na after ko maclear noong 2015, at umalis at bumalik neto lang, hindi ba parang dehado naman ako masyado? Ilang beses ba ako dapat sumumpa na hindi ako iyon?

    OO. Iniimply ko na napaka incompetent ng system. Namiss ko ang asawa ko kase pag mga ganyan na kagalit galit, tapos nagagalit sya para sakin, nawawala yung galit ko at natatawa ako sa kanya. Hahaha! Pero talagang napatunayan ko na pareho kami mag-isip minsan. Kase inisip nya din yung incompetent (great minds think alike) na description. At medyo relief yung sinabi nya na: imposible naman na magparetoke yung criminal para maging kamuka mo at magmukang bata; imposible din na pareho kayo ng fingerprints; at, imposibleng may krimen ka dahil wala ka naman dyan (so apparition lang ako hahaha). Ano pa ang silbi ng sistema nila kung sa screening palang, hindi na makascreen?

    Oo nga naman. Defeated ang purpose ng lahat ng upgrades na from ink and paper to computerized system. Sayang din naman ang back up system na kung tawagin ay "common sense". Sige, granting na hindi pa tapos ang lahat ng updates, networks and links from one department to another, and everything... Kailan nyo po balak tapusin? Ayoko po makarinig ng: "alam mo pala ang gagawin, edi ikaw ang gumawa!" Pilosopo din po akong tao paminsan, kaya sasabihin ko na po agad: "Bakit? Hindi nyo ho ba naisip yung naisip ko? Palagay ko nga B2!"

    Nastress ako. Kumain ako. Umuwi. Kung ano ang problema ko papunta, syang problema ko din pauwi.

  2. PRC
    - Napaka importante nito para sakin since sila ang naka assign para sa mga kukuha ng licensure exams, renewals and everything.

    Sistema ng pagkuha: http://prc.gov.ph

    Kultura: Mababait yung nasa reception, pero masusungit yung nasa mga counter. Naninigaw po sila. Pero siguro kelangan nila gawin yon kase may glass barrier yung counters. Mahina talaga. Pero hindi excusable yung kasungitan.

    I did not mind getting my NBI clearance as one of the commission's requirements to file for an application. Naiintindihan ko iyon and I am in favor. But what I am up against is yung kukuha ng at least 3 na good moral certificates from school, employer, church and barangay.First of all, asking for the 'good moral' defeats the purpose of the NBI issuing the applicant his clearance.Second is pang pilosopong view, assuming that the applicant is a fresh grad without work experience and without religion. Saang palad ng pagkakataon sya kukuha ng 3rd source of his 'good moral' certificate??? Anybody??? Kawawang nilalang naman sya na hindi makakapag take ng licensure dahil walang pangatlong certificate.

    Third, ipapanotaryo mo pa yun. Redundant na talaga because again, what is the NBI clearance for?

    Hindi naman sa ayaw kong kumuha nito dahil baka nga masama ang ugali ko, or dahil ayaw ko gumastos ng pa-notaryo (which is, totoo coz I'm kuripot like that). Pero kase napaka irrelevant and redundant. Isa pa, redundant kase hindi naman sya naka "or" hahaha. Also, redundant talaga.

    Diba, nakakainis pag redundant?

  3. LTFRB
    - Ito ang responsable sa PUVs, PUJs, at iba pang public transportations.

    Sistema: Hindi ko maintindihan, pero minsan walang common sense.

    Kultura: Habit nila na magpasa ng regulations na hindi ko alam kung sino ang nakikinabang. Minsan talaga hindi pinag-isipan. Pero nagtratrabaho sila sa abot ng kanilang kaya.

    Uber at Grab nanaman. Oo yan ang reklamo ko. Kase sa mismong araw na kailangan ko nyan, tsaka nyo timing na timing sinuspend.Ok lang naman even without U and G because may tryk, jeep at ang mahal na mahal nyong taxi.Wala din ako gaanong masakyan na tryk at jeep dahil punuan. Understandable, since yung mga hindi makapag book ng rides ay doon na din talaga sumakay. May kasama akong bata, so riding a cab was my last and only resort (?). May taxi magnet powers ako, kahit tanong nyo pa kay Prof Pinugu. True enough, ang daming pumara sa harapan ko pero pag sasabihin mo palang yung destination, sasaraduhan ka ng bintana or pabababain ka, or ikaw ang kusang bababa kase nakakasuka yung mga rason na traffic, plus nalang po tayo, iba po ang way ko.Eto kase yan mga kuya, hinintuan nyo ako even without knowing my destination meaning nung hindi mo pa alam pero willing ka magsakay. Also, saan ba walang traffic jam? Sa tubig. Sa ere. Gusto nyo, doon nalang po kayo byumahe. At ayoko po mag plus kase may metro na nga po kayo compared fixed rate, and pumapatak yon kahit naka stuck. Yeah, talo kayo sa oras. Sino ba ang hinde??Pero eto talaga yon eh. Hindi ko talaga maintindihan yung sobrang pag puntirya sa Uber at Grab. Sharing my comparative analysis regarding this issue. Pero kahit ano pa man yan, obviously mas gusto ng tao ang Uber at Grab dahil:

Uber & Grab vs Metered Cabs
Uber & Grab vs Metered Cabs

So ano naman ang connection ng rants ko sa quote na nilagay ko? Simple lang. Eto nalang ang matutulong ko sa bayan, ang sabihin ang mga pwedeng iimprove. Kasi wala naman magagawa ang gobyerno para sakin at ayoko maging demanding sa bayan. Wala din naman ako masyado magagawa para sa bayan kasi may boses ako pero wala ako sa posisyon at kapangyarihan para iimply yung mga pagbabagong gusto ko (na baka hindi nyo gusto or ako lang talaga ang may gusto).

Siguro nga hindi ako matalino at hindi ko alam lahat. Pero siguro din, enough na yung experience ko na puro abala ang dulot ng sistemang hindi na maayos ayos, pwedeng ayusin pero walang umaayos. Ayokong magbida bida eh. Pero kase parang nakakainsulto sa mga nagbabayad ng buwis na nakikita nila yung dapat sana nagbebenefit sila sa sistema bilang sila ang dahilan kung bakit nasusustain yung expenses ng government, pero napeperwisyo sila. Minsan natatapakan pa yung intelektwal kase bibigyan ka ng katwirang kayang kaya barahin ng grade one.

Sa totoo lang ayoko mag post ng anything about the government or politics kase ayoko ng gulo. Pero now, last na to. Ibash nyo na ako! Haha! I'm so ready to take comments.

Hindi po ako keyboard warrior, dutertard, dilawan. Eto po ay base sa obserbasyon ko sa sistemang nakapaloob sa kultura ng mga departamento sa gobyerno.