Letter 1: Si Girlfriend Dapat (Tagalog)

Letter 1: Si Girlfriend Dapat (Tagalog)

10 November 2017 0 By Pao de Chavez

Hi, A----nonymous friend!

Kung friend talaga kita, alam mo naman siguro ang pambungad kong bati sayo. Haha. Kung friend kita, alam mo naman ang sasabihin ko. Pero kase finuel mo yung matagal ko na gusto gawin: Ang pagalitan ka. For sure, hindi ka lalake. For sure, alam ko na kung sino ka. Si A----- ka diba? Hahaha. Congrats in advance! Alam mo yan!

Pero sige, eto nalang in general…

At this age, banas na banas po talaga ako sa mga nakikita kong mga babae or girlfriends na akala mo mauubusan ng lalake. Ngayon pa lang, iclaclarify ko na iba po yung fangirling sa stalking. Fangirl din po ako ng KPop at ng Supergirl - 100%; tapos medyo 80% lang sa mga series, ganern. Pero mabalik lang ako, yung mga tipo ng babae/ girlfriend na, “jusko po ineng, ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo?”

Tugon marahil: “Baket, perfect girlfriend ka ba?”

Utot. Hindi ako perfect, pero gusto ko kasi ibahin yung tingin ng tao sa mga babae. Ayoko yung inuunderstimate tayo na porket babae tayo eh parang napaka frail natin and wala na pag-asa maging macho. Ehem. Feminista? Maybe? Sakto lang. Hindi yung hardcore na gusto ko lahat ng rights meron ang babae. No, hindi pwede, minsan kase lahat ng bagay dinadaan sa sikap at pagpatunay din.

Iba iba talaga ang type ng tao. As in walang magkakapareho. Hindi sa hinahanap ko yung sarili ko sa ibang babae or feeling ko perfect ako pero c’mon guys! Onting respeto naman sa sarili natin. Although wala akong pakialam sa iniisip ng ibang tao tungkol sakin, who cares, pero yung tingin ko sa sarili ko sobrang importante sakin. Tipong ayoko na ako yung cause ng burden ng ibang tao: sa paningin (ayoko maging masakit sa mata hahahaha), pandinig or whatevs. Hindi naman sa bida bida, relative ako ni Jollibee ng very very far coz of my face and smile, pero sa totoo lang diba?

May jowa man o wala

If wala, dun tayo sa girl na kayang mahalin ang sarili nya at makuntento kahit sya lang. Kase sa totoo lang, hindi naman essential ang love life. May family ka naman and friends, love din naman yun diba, if you know what I mean. Siguro andoon sa stage na talagang maghahanap ka ng makakasama sa life, bonus nalang yun. Pero to be able to get by kahit wala kang lalake sa buhay, shocks! Achievement yon. Parang ang empowering lang ng feeling. Para kang Gal Gadot as Wonderwoman! Yehessss!

Sa mas bata, mga tipong high school, better na wag muna. Kung hindi ka mapigil, know your priorities. Be mature enough coz I believe maturity does not always come with age. Pwede naman siguro yon. May friends ako na high school palang sila na, hanggang ngayon sila pa rin. Ang happy non. Pero reality-wise, hindi naman lahat ganon. Hahaha! Pero mag aral ka muna talaga. Kung college ka, wag mo sabihin na hindi ka na high school, mag aral ka parin! Wag mo sabihin wala ka pang aral, magtrabaho ka. PRIORITIES.

If maghahanap ka man, wag na wag kang maghabol. Hindi naman kase pinipilit ang love na parang, “hey lagi kita sinusundan, notice me please!” Haha. Not unless as a fan, pero as an obsessed person, iba na yan!

Nagbf ako ng 17 ako (my husband, then boyfriend, alam mo yan friend). Pero nasanay kami na mature lahat ng treatment sa lahat ng mga pangyayari. May comedy, drama, and all (mostly, comedy). Pero kase pag nasa isang relationship kayo hindi para all rainbows and butterflies, pero to be able to help each other and work as one – total yun naman talaga pag mahal mo. Reality-wise, hindi naman puro saya eh, may struggles palagi. Pero ang goal ay hindi ieliminate yung struggles, but to be able to face all hardships together. Yung pag tulong nyo sa pag gawa nyo ng solution ang importante, hindi kung sino ba ang ugat ng problema. Bilang girlfriend, may responsibilities ka din na dapat mong i-sync yung decisions, pagkilos at sarili mo sa partner mo. Not necessarily sex. Wag ka naman si bigay lahat. Remember: respect yourself.

To give you a preview, hindi naman sa ginegeneralize ko ha, pero medyo eto yung mga nakikita ko na types ng babae/girlfriend. Syempre desisyon mo na kung san mo ilalagay sarili mo. Hindi ko naman sinabing baguhin mo sarili mo, pero nasasayo kung iimprove mo diba? Wala naman masama. Ako lang no? Haha. Joke lang. Baka maniwala sila.

Siguro maraming mapipikon na babae sa sagot ko sayo friend. Pero kasi alam mo naman to. Ipapakita ko lang ulit sayo at sa makakabasa. Kase may mga kabatch ka na nagppm din sakin. Hahaha. Para eto nalang din irereply ko.

Pasensya ka na sobrang haba. Ikaw kase. Hahaha.

Pero thank you sa pagbigay sakin ng opportunity na masulat to. Ang sagwa naman kung out of the blue ko isusulat, wala naman humihingi ng opinion ko. Pero kahit na, paki ko ba? Hahaha.

Sige, hanggang ditto muna.

Bye!